Oct 3, 2014

Miss Earth: The Pros & Cons (1)

by Ranz
September, 2005


BIG FOUR

Nakatutuwang malaman na ang Miss Earth, in a short span of time, ay itinuturing ng isa sa Big 4 Pageant na mayroon tayo. Kahilera ng mga matatagumpay at kinikilalang mga Beauty Pageants sa mundo: ang Miss Universe, Miss World at Miss International.

”We now call them the “Big 4” or sometimes the “Grand Slam” - a veiled reference to the equally competitive world of professional tennis and its similarly important and, by the same token, diverse quartet of master competitions. Referring, of course, to the four beauty pageants of Miss World, Miss Universe, Miss International and Miss Earth.”
Pasquale Tripoldi, The Year in Review,
6th Annual Global Awards, GlobalBeauties.com

THIRD BEST

“Miss Earth recognized as one of top 3 international pageants in the world”
MissEarth.tv

Habang tila bumabagsak ang popularidad ng Miss International sa mga nagdaang taon ay tila lumalakas naman ang ingay ng Miss Earth sa pageant community. In fact, sa Annual Award for Best Pageant ng Global Beauties noong 2003, ang Miss Earth ay naging 3rd placer sa Miss Universe at Miss World habang naging weakest link naman sa grupo ang Miss International.

Narito ang excerpt ng review:

“…Miss Earth 2003 placed third overall. It is only three years old and already each year it has made the greatest strides in self-improvement. We can be patient. The potential here is phenomenal and it should be exciting to watch it progress. To be sure, the Miss Earth Pageant is ready for an international audience. Mark this one “Ready for Export!”
6th Annual Global Beauties Awards

MISS EARTH vs. THE OTHER BIG THREE

Ano nga ba ang mga factors kung bakit undisputed favorite ang Miss Universe? Kung bakit sensational hit ang Miss World? At kung bakit tila unti-unting bumabagsak ang popularidad ng Miss International? Paano ang lahat ng ito ay hinaharap at nagsisilbing hamon para sa Miss Earth o sa Carousel Productions?

1. Worldwide Telecasts Viewing

Ang first step para higit makilala ang Miss Earth ay ang mai-broadcast ito internationally. Ito ang downfall ng Miss International. Habang kapwa nag-aagawan ng audience share ang Miss Universe at Miss World, ang Miss International naman ay nanatiling ‘low profile’ sa international audience ng ilang taon.

Dapat nating tandaan na ang worldwide telecasts ay isang malaking factor na nagbibigay-daan para ang isang pageant ay makapag-likha ng ingay, makilala, magkaroon ng sariling popularidad, mapag-usapan, at makahatak ng sariling fans o followers.Samantala, alam nating nagaganap pa rin ang Miss International pero tila walang ginagawang hakbang ang MIO na mapalawak ang ugnayan nito sa mga pageant fans sa mundo.

Salamat sa ilang pageant websites at pageant correspondents, tayo ay nabibigyan ng chance na magkaroon ng update sa pageant na ito, kahit na hindi natin nasasaksihan sa ating mga television set ang Finals Night ng Miss International.Among the Grandslam Pageants today, ang Miss Earth ang sinasabing ikatlo (sa Miss Universe at Miss World) sa pagkakaroon ng malawakang telecasts. Habang ang Miss International naman ay maaari na lamang maihambing sa ilang minor int’l pageant na kadalasa’y isa lamang local national event ng host country.

2. Official Website

Ang Miss Universe ay mayroong excellent na website. Ang missuniverse.com ay nago-offer sa mga pageant fans ng mga sumusunod:

A. Candidates’ Latest Picture (Headshot)

Ang mga pageant followers ay interesado sa present look ng mga delegates at hindi sa old coronation picture nito.Ang Headshot ng mga Miss Universe delegates kadalasan ay ginagamitan ng iisang outfit design at background (Miss Universe 1998-2004) kaya’t maa- appreciate ito dahil na rin sa iisa ang pinanggagalingan o source ng pictures. Pinupuri rin ito sa paggamit ng mataas na quality ng fashion photography.

Narito ang ilang halimbawa:

(Beauland) http://www.beauland.net
(PageantMania) www.geocities.com/pageantmania2000f
(All That Beauty) http://www.allthatbeauty.com

B. Brief Interview (Written)

Kung minsan ay isang set lang ng questionnaires ang sinasagutan ng mga candidates kaya’t may chance kang i-compare ang sagot ng bawat isa.

C. Brief Interview (Video)

Tulad ng written interview, kadalasan, ditto ay pare-pareho lang ang mga questions na ibinibigay sa mga candidates. Halimbawa, sa tanong na “What is the latest fad in your country?” ang mga candidates ay may kani-kaniyang interpretasyon sa tanong, kaya’t naging exciting sa mga fans ang video interview na ito.

D. Preliminary Competition (Videos)

Hindi tulad ng “You Decide” Show ng Miss World na naipapalabas globally, ang “Presentation Show” ng Miss Universe ay locally televised lang. Pero ang MUO ay gumawa ng paraan para ito masaksihan ng mga fans mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ito ay sa pamamagitan ng mga individual videos mula sa Presentation Show (na siyang Preliminary Competition ng Miss Universe) ng mga delegates na makikita sa official website ng Miss Universe.

These includes:

National Costume Competition (Video)
Presentation Show Evening Gown (Video)
Presentation Show Swimsuit (Video)

CONCLUSIONS:

Ano nga ba ang kahalagahan ng mga impormasyong ito? Una, ang mga impormasyon at pictures mula dito ay nagsisilbing source para sa ilang pageant websites (na siya namang primary source ng mga pageant fans sa mundo). Nakakatulong ito sa marketing at popularidad ng pageant.Ganito ang nangyayari sa Miss Universe.

Prior to Finals Night, kung bibisitahin mo ang iba’ ibang pageant websites mula Global Beauties (Brazil) hanggang Mabuhay Beauties (Philippines) at Rahul’s World of Pageants (India) hanggang Tom’s Pageant Page (Canada), lahat ay may kani-kaniyang list of favorites. Lahat ay may comments sa kung sino ang standout sa Evening Gown at Swimsuit at kung sino ang hindi.

Nangyayari ito dahil na rin sa mga Pictures at Videos ng Evening Gown at Swimsuits atbp. na available sa Miss Universe site. Isang patunay din sa success ng Miss Universe ay ang super overhype ng mga fans dito. Bago ang Finals Night ay bumubuo na sila ng kani-kanilang choices para sa Finals. Pumunta ka sa mga pageant messageboards, nagkalat ang iba’t ibang post ng mga fans. Pasyalan mo ang iba’t ibang pageant forums, makikita mo ang iba’t ibang predictions nila sa kung sino ang sa tingin nila ang papasok sa semis at kung sino ang hindi. Nakakabuo din sila ng kani-kanilang assessment sa bawat candidates.

Sa kaso naman ng Miss World, consistent ang pagbibigay ng Miss World Org. ng mga updates sa mga activities na nagaganap sa venue,kasama na ang mga recent pictures at results ng mga fast-tract events.Nariyan din ang “You Decide” Show na naibo-broadcast globally at ang mga invidual videos mula dito ay makikita rin sa official website ng Miss World.Tulad ng Miss Universe, ang ganitong klaseng “Marketing Strategy” ay nagwo-work din para sa Miss World at nagki-create ng super overhype sa mga pageant fans sa mundo.

Tulad din ng Miss Universe, maingay din ang mga pageant Messageboards at Forums sa panahon ng Miss World.Bakit nga ba sensational? Bakit maingay? Bakit hit na hit? Marahil ay dahil na rin sa kadahilanang binubusog ang mga fans sa mga impormasyon (pictures, videos, etc.).

I-compare natin ito sa Miss International na sinasabing kasalukuyang dumaranas ng pananamlay mula sa int’l audience:May ilang mga pageant websites na nagbibigay ng info sa kung ano ang nagaganap sa Miss International pageant. At least, may update tayo sa mga activities na nagaganap. May ilang available na photos pero very limited. Kung minsan, hindi mo napapansin ay tapos na pala ang pageant na ito at makikita mo na lang ang ilang pictures mula sa coronation night.

Walang masyadong involvement ang mga fans. Walang ingay. Walang masyadong pinag-uusapan (o pinagdedebatehan) sa mga messageboards at pageant forums. Parang walang nagaganap na isang major international pageant.Bakit ito nangyayari?Sapat na nga ba ang mga info na ibinibigay sa mga pageant followers at mga pageant websites para sila ma-excite sa pageant na ito? Nasaan ang mga pictures nang mga candidates? Nang kanilang mga activities? Nang kanilang mga Swimsuit at Evening Gown sa Preliminary Competition? (sa kaso ng Miss In ternational ay walang Preliminary competition na nagaganap, pero sa Miss Earth ay mayroon). Paano magkakaroon ng mga prediction lists ang mga fans o mga pageant websites kung wala silang maaaring pagbatayan o kulang ang kanilang source? Sa huli, hindi tuloy nagiging kaabang-abang ang Finals Night nito.

Pasyalan mo ang ilang links na ito at makikita mo kung gaano ka-sensational ang Miss Universe sa ilang mga pageant websites/forum:

(Global Beauties) http://www.globalbeauties.com
(Missiology) http://www.missosology.org
(OPMB) http://opmbworldwide.com
(Critical Beauty) http://criticalbeauty.com
(Hataw Beauties) http://hatawbeauties2007.blogspot.com

Pansinin mo kung paano na ang lahat ng impormasyon at mga preliminary competion photos/videos ay: (a) nagagamit para sa marketing ng Miss Universe; (b) nagbi-build up ng excitement at anticipation sa mga fans; (c) nakakatulong para magkaroon ng interaction ang mga fans ng iba’t ibang bansa; (d) nagkakaroon ng mga predictions lists ng kanilang mga Top 15 choices ang mga fans, at; (e) kung paano ang lahat ng ito ay nagko-contribute sa mataas na popularidad ng Miss Universe.

Given na ang pagkakaroon ng mga kani-kaniyang special coverage ang iba’t ibang pageants websites, pero ang sariling producer ng pageant ang higit na may responsibilidad sa mga fans o followers na maghatid balita sa nagaganap na pageant.

Up Next: Miss Earth: The Pros & Cons (2)

2 comments:

  1. Anonymous8:25 PM PDT

    pareho tau taon taon q din inaabangan ang BB. pilipinas, miss philippine earth, miss earth, miss venezuela, miss usa, at syempre miss universe. tama ka talagang mai22ring na beauty powerhouse of the world ang venezuela,grabe e2 nga eh, hinihntay q ang miss uusa ngayon, ok naman ang nanalo from michigan c rimah fakih, bzta i love miss universe organization and miss venezuela organization!!!!!

    ReplyDelete
  2. Anonymous8:32 PM PDT

    lam u ba sa ung mga candidates sa miss venezuela, parang ang hirap i judge kc maggaling lahat, bilang lang sa kamay ang masasab ung palyado pero ok din naman e2 nga pala ang result ng miss venezuela 2009

    1. miss venezuela universo-marelisa gibson (miss miranda)
    2. miss venezuela mundo- adriana vasini (miss zulia)
    3. miss venezuela internacional- elizabeth mosquera ( miss Trujillo)
    4. primera finalista- ma. angela bonanni (miss Tachira)
    5. 2nd finalista-jessica guillen ( miss amazonas)
    i hope u will love it to!!!!!!

    ReplyDelete

A misty-eyed look at Armi Kuusela, the 1st Miss Universe

Armi Kuusela with Virgilio Hilario Fifty-four years ago today, a beautiful 17-year-old girl from Finland was crowned (by Hollywood act...